Nilalaman
May napalaking pagkakaiba sa mga tao noon at ngayon lalong lalo na kapag ugali, paniniwala, teknolohiya at sosyal na relasyon ang pag-uusapan. Dahil ang mundo ay nagbabago at ito at unti-unting unmuunlad at patuloy pa rin sa pag-unlad dahil sa mga bagong bagay na nadiskubre ng mga tao. Narito ang mga bagay na pinagkaiba ng noon at sa ngayon:
Medya at Teknolohiya Noon
-aklat
-newspaper
-telepono
-cassette
-radyo
-telebisyon (black and white)
-film
Medya at Teknolohiya Ngayon
-Internet
-Cellular Phone
-Camera (DSLR)
-Social Media (Facebook, Instagram, Twitter, YouTube atbp)
-Telebisyon (flat TV, Smart TV)
Ang lahat na ipinakita sa taas ay ang pinagkaiba sa aspekto ng teknolohiya. Ang medya at teknolohiya noon ay hindi pa rin nawawala sa ngayon ngunit ito ay mas napahightech pa o pinaganda pa ng sobra. Sa pamamagitan ng mga nagawang bagay noon ay siyang naging daan upang mas mapaganda ang buhay natin sa ngayon.
Narito naman sa aspekto ng sosyal na relasyon ng tao:
Sosyal na Relasyon Noon
-family-oriented
-nanghaharana ang mga lalaki bago sagutin ng babae
-mga kadalasang kaibigan mo ay kapitbahay mo lamang
Sosyal na Relasyon Ngayon
-ang panliligaw ay dinadaan lamang sa pagtetext o ika nga sa isang patalastas ay HANAP, USAP, DEAL
-mga kaibigan mo ay nasa social media na kahit nasa ibang bansa ay nagiging kaibigan mo na.
-latch key kid
Sa paglipas ng panahon, unti-unti nang nawawala ang pakikipag-usap ng harap-harapan dahil sa mga teknolohiyang naglipana. Kahit na kayo ay kumakain sa hapagkainan ay iba-iba ang ginagawa niyo, may naglalaro, may nakikipag-usap sa cellphone at nagtetext. Hindi na nakakapag-usap ang magkapamilya dahil may iba nang inaatupag. Karamihan sa kabataan ngayon ay napapariwara na dahil nalilimutan na ng magulang ang paggabay sa kanilang anak.
Kapag sa aspektong paniniwala o ugali naman ay unti-unti na ring nawawala lalong lalo na yung paniniwalang pangmatanda. Kadalasan kasi sa mga sagot ng kabataan ngayon kapag paniniwala ng matatanda ang pinag-uusapan ay sinasabi nilang "huwag kayong maniwala diyan, paniniwala ng matatanda lang yan" kung kaya nawawala na ang ibang paniniwala. Ngunit ang ugali noon at ngayon naman ay talagang may malaking agwat. Dahil noon ang kabataan o mga tao ay talagang sinusunod ang mga payo ng magulang dahil natatakot silang mapagalitan. Masasabing dalagang Pilipina ang kababaihan kasi hindi sila lumalabas ng basta-basta lamang sa bahay dahil kinakailangan pa ang patnugot ng magulang. Pinapagalitan ang kababaihan noon kapag hindi sila nakauwi ng maaga sa bahay. Mga kalalakihan naman ay kapag nanliligaw sa mga kababaihan ay nanghaharana muna at nagtatrabaho sa bahay ng kanyang nililigawang babae. Nagpapamalas sila upang magustuhan ng pamilya. Kabaligtaran naman ang lahat ng iyan sa sitwasyon ng kabataan ngayon dahil ang kababaihan ang gumagawa na nang paraan para sa mga lalaki. Kadalasan sa kababaihan na kahit hindi pa nasa wastong edad ay nabuntis na. "Hanap, Usap, Deal" sa patalastas na iyan ang isang halimbawa sa pagrerelasyon ngayon. Nagiging madali lamang ang panliligaw.
Ang lahat ng iyan ay isang halimbawa kung bakit may napakalaking kaibahan ang noon at ngayon ngunit nakadependi lamang iyon sa indibiduwal kung gagawin nila iyon o hindi.
Karanasan
Sa pakikipagsapalaran ko sa aking buhay, marami akong nalaman tungkol sa kaibahan noon at ngayon. Ginamit ko ang aking pagiging mapagmatyag sa kapaligiran hindi ibig sabihin na ako ay "himantayon" (bisaya na termino). Hindi talaga natin maikakaila na malaki talaga ang pinagkaiba ng noon at ngayon. Aminin man natin o hindi kahit na ako ay produkto ng makabagong henerasyon talagang unti-unting lumalaki ang ulo ng kabataan ngayon.
Sa pag-uugali, ang kabataan noon ay talagang may napakalaking respeto sa nakatatanda at pinahahalagahan ang pamilya. Sa ngayon naman ay kaunti na lamang ang ganyang mga tao dahil kadalasan ay nawawala na ang pagrerespeto sa nakatatanda at lumalaking bastos. Hindi na nila masyadong pinapahalagahan ang pamilya.
Sa paniniwala naman ay unti-unting nawawala at halos hindi na naririnig ng mga bagong henerasyon ang paniniwala ng matatanda. Dahil sa kpop na siyang pinakasikat sa mga kabataan ngayon. Sinusunod nila ang pananamit, maging ang paniniwala ng mga Koreano. Kaya natatabunan na ang paniniwala ng taga-Filipinas.
Sa medya at teknolohiya, basi sa pagmamatyag ko sa kapaligiran, mas napapaganda pa ang a
Repleksyon at Aplikasyon
Sa aspektong medya at teknolohiya, sosyal na relasyon, at paniniwala at ugali at talagang may napakalaking kaibahan, hindi natin yan maikakaila. Ngunit ang lahat ng pagkakaiba ay mawawala kapag may kapares na pagkakaisa. Ibig kong sabihin kapag nagkakaisa ang tao at teknolohiya ay mawawala ang hadlang. Marapat na gamitin ang teknolohiya ng tao sa tamang paraan.
Kaya napagtanto ko bilang isang mag-aaral na hindi natin dapat lagyan ng puwang ang pagkakaiba ng noon at ngayon. Sa halip ating tulungan ang ating sarili mismo, kasali ang mga matatanda, na tulungan sila (matatanda) na iangat at turuan kung paano gumamit ng teknolohiya. Sa kabilang dako naman, tulungan rin natin ang ating sarili na huwag iwaglit ang paniniawala, ugali, at sosyal na relasyon ng nakaraan para sa ikabubuti ng bawat isa.
Kaya bilang guro sa hinaharap ay tuturuan ko ang aking mga mag-aaral na pahalagahan at respetohin ang bawat isa na paniniwala, ugali at sosyal na relasyon upang walang away na mangyayari. Tuturuan ko rin sila sa tamang etika sa paggamit ng teknolohiya at medya nang sa ganoon ay magkakaroon sila ng ideya na pahalagahan ang bagay at huwag gamitin sa masama.
Sanggunian:
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento